pila dito pila doon... yan n yata ang walang katapusan reklamo ng pinoy sa sistem ng pinas..
isa na nga dito ay ang mga fx/van na may kakaibang ruta patungo malapit sa inyong lugar....
may kamahalan kumpara sa jeep/bus pero mas mura nman sa mga taxi na ikaw lang laman.... aircon pa...kung swerte ka...sana..
eto na nga.. para sa mga lalake ..mas maswerte ka kung sa unaahan at katabi mo ang driver....
ang karaniwang FX/van sa makati na may byaheng south (calamba/sta.rosa) ay may laman na 18 pasahero dalawa sa unahan.. ay tig-apat nman sa loob,na dapat sana ay tatluhan lang...
napapansin nyo ba na madalas o malamang sa malimit na ang nakaupo sa unahan ng fx/van ay babae?
maganda man o may idad na?
may mga ilang ulit n din na dumating ako na walang pila.... naghintay lang na pasehero at mahaba naman ang pila...pero hindi padin ako nakakita na may lalake sa unahan maliban sa driver?
misan, nung walang pila... may isang babae na nakaupo na sa unahan... sinabi ko sa dispatcher..dun na lang ako sa unahan...sabi nya.. may naka-upo na daw.... so dahil dun.. sa loob ako napunta....ang tagal umalis ng fx dahil maaga pa at hindi pa puno...
dumating ang mga ilang pasahero... lalake.. pamilya.. magkakaibigan.. lahat sila sa loob pinaupo..... ngunit ng dumatin ang isang maganda.. cute na girl.. ay pinag buksan agad sya ng pinto sa unahan at pinapasok...pagtapos singilin tinawag na si driver..at habang inaabot ni driver ang collection ay nakangiti itong nakikipag kwentuhan sa dispacher.....
tanung ko lang? mukha nman hindi magka-kilala si girl1 at girl2 sa unahan? hindi nga sila naguusap... at magkahiwalay pang bumamaba...eh bakit sinabi ni dispacher na may nakaupo n daw dun kanina? para sa kanya ba talga un? sana pla dumating na lang sya ng mas maaga.. para nakaalis n kami...
eto naman... mahaba ang pila... to the point na kami na ang nag hihintay ng fx/van dahil mabilis mapuno...sa dami ng tao..sa haba ng pila.. may girl...boy...kids... old... lahat na .. nsa pila...
etong si dispacher... pra makasiguro...siningil n kami agad..sa pila pa lang, at binibilang na nya ang pasahero bago pa dumating ang fx/van...at pag hindi ka nag bayad .. hindi k kasama sa bilang..in short.. wala next trip ka..or kung kelan k magbayad...
so nung dumating si fx/van.. pinalamig konti.. at pinapasok n kami.... si nanay na may dalang gamit pinauna na sa tabi ng driver umupo kahit na may tao sa unahang pila... at ang iba.. sa loob na pumasok..so ako naman..sinubukan ko tumabi kay nanay.. dahil nga.. medyo hindi maganda amoy s loob, may bata at pawisan na mga pasehero dahil sa init ng panahon..sabi ulit ni dispacher sa loob n daw ako....
BAKIT? at bakit? .... merun na daw... so dahil nag mamadali ako.. pumasok nako.. at dun pa ako pina-upo sa gitna ng 4 na tao...(kung familiar kayo sa van eto ung upuan na alanganin, kung saan nsa bakal ang kalahati ng pwet mo---very uncomportable)...so ayun...
at ang nakapag tataka.. bakit ung nsa likod ko pa.. na girl.. hindi p ung boy ah.. cguro 2nd pa sya.....ay sya pa ang pinaupo s unahan..kung saan comportable ka na makakatulog at makakaupo sa kainipan ng mahabang traffic na byahe....
BKIT .. BAKIT?
dalawang punto lang po ang saakin..
1. respeto sa pila.
2. pantay na pagtingin sa pasahero.. dahil parehas lang naman ang bayad...
sa una, walang respeto sa pila ang dispacher at ang organization ng fx/van sa terminal...kahit pumunta ka pa nang maaga at mauna sa pila..
hindi ka pa din.. makakapili ng pwesto na sapalagay mo ay comportable ka....dahil lalake ka....hindi ka dapat sa unahan o maging comportable sa pwesto.. babae muna...
Fine! respeto sa babae.. pinoy eh.. christian values....pero please nman.. pagod ka sa trabaho..gusto mo matulog...
or marami kang dalang gamit.. at hindi kaya ng itlog mo n maipit s bakal na upuan... tama ba yan....
pangalawa, ang dahilan mo kung bakit ka magbabayad ng mas mahal sa jeep/bus ay dahil sa mas ligtas, mabilis, comportable, preskong paglalakbay...
pero paano mo un mararamdaman kung ang upuan mo nman ay sala sa itlog....
oo babae sila.. maganda... cute.. may idad na may dala pang maraming gamit....pero wala namn discount ang lalake na nkaupo sa alangin na pwesto?
o mas mataas ba ang bayad pag s unahan ka at tabi mo si driver??
Pila ay Pila.. kung ikaw ang una sa pila.. privillage mo na mamili ng pwesto...at ang kaginhawaan ng lugar..kasi nga.. pagod k na.. at hanap mo ay pahinga sa mahabang traffic na bayahe....
hangang nyaun may ilang ulit na ako nakakasakay sa terminal ng GT ayala-mrt ay hindi p din ako nakaka-kita ng lalake sa unahan...
hindi ko parin ma isip anu ba ang idea sa likod nito.. pero subukan natin.. eto ang nasagi sa isip ko..
1. maraming manyak na lalake sa loob, at nag reklamo na ang mga babae? ---- mahirap ito gawin sa sikip at magkakatabi na kayo halos..
2. hindi magandang tingnan na may 3 lalake sa unahan.. at iisipin na kidnapper/holdaper sila? --- pwede....
3. lahat ng babae-cute-maganda-sexy, kilala na ni dispacher/driver kya sila reserve sa front, suki! --- pwede....
4. gusto ni driver ma-inspire s pagdrive... at dahil dun need nya ng inspiration sa tabi nya --- pwedeng pwede....
5. mas mabilis ang takbo kung babae ang nasaunhan... dahil siguradong hindi makakatulog si driver.. sa sobrang kambyo ng kambyo ---- tama!!!!
6. masikip pag lalake ang nsa unhan... ????? anu daw ????
wala n yata akong maisip pa.... kung anu man ng dahilan nila.. ay sila lang ang nakakalam... tama man un oh.. tama sa gusto nila.
hay naku.. buhay.. ang haba ng pinaghintay mo sa pila.....hirap ka pa...
prang bumili ka lang ng french fries sa jollibee.. ang sabi mo frenchfries pero bakit ang binigay sayo.. kamote fries?
magreklamo ka ba? hindi kasi nakakahiya...tipid ka nga kya ka dun bumili tapos.. mag reklamo ka pa, so tipid din ang bigay syo..sa murang binayad mo.... sus.. pero sana... kamote with potato fries na lang tinawag nila...
nasaan na nga ba ang pro-consumer act?, REPUBLIC ACT NO. 7394, protecting the interest of consumer against hazards to health and safety, general welfare etc...etc...etc......hindi ba kasama dito ang services... fair public service? oo nga nakasakay ka nga.. nakarating ka nga
sa destinasyon mo..pero.. paano ba yan binigay sayo? para saan ba ang ibinayad mo? para saan ba ? at sinu ba talaga ang dapat masunud?
sympre ..hindi ikaw.... hindi ako... kundi sila.. na may-ari ng sakayan at ang nagpapatakbo ng groupo nila.. dahil kanila un! at pasahero ka lang!
Thursday, November 3, 2011
public notice 101: UV Express Sweet Lover
Labels:
ayala,
calamba,
frenchfries,
fx,
GT Express,
jollibee,
laguna,
makati,
mrt,
pila,
pro consumer act,
service,
south,
sta.rosa,
UV Express,
van
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment